Tuesday, August 26, 2014

Salamat sa munting aral sa Bus (May Penalty daw ako)


Biglang huminto ang Bus kahit wala pa sa eksaktong patutunguhan nito. May umakyat na inspector at siniyasat ang mga NOL card (Pangalan ng public transport card sa Dubai) nagulat ako bigla noong pagkatapos ma scan yung card ko at sabi nya “Give me your ID, ___Amount and get out the Bus”.
Pagkababa sa Bus hiningan ako ng katumbas na halaga para sa penalty sabi ko “Can I ask a question, What is my violation?” You did not scan your card and your load is below minimum sabi ng inspector. No scan my card, don’t talk to me talk to him tinutukoy nya yung kasama nyang nasa sasakyan ang nagrerecord ng mga nahuli at sya naring nagogolekta ng kita nila (hehehe parang negosyo lang). Wala na akong maraming sinabi inabot ko nalang ang nasabing halaga, frustrated ako at galit ako pero kinalma ko ang sarili.

Matiya kung inantay ang pagkakataon kung magkapagtanong at ipaliwanag ang side ko. Noong pagkakataon ko ng magtanong, itinanong ko ng marahan at maayos yung proseso at gayun din ipinaliwanag ko ang side ko na ako talaga ay ng scan at may sapat na load. Siniyasat muli ang aking card nag-usap muli ang kolektor at inspektor at sinabing ok take your money back it’s ok. Na surprise pa ako ng inabot sa akin ang aking pera at card at parang tanga lang na nasabing “Really It’s ok now I can go? No problem?” (Napangiti ako noong tumalikod ako at nasabi sa sarili ok na nga, gusto mo ba talagang magbayad ng penalty!)

Ang nangyari bago ako sumakay sa Bus

Bago ako sumakay sa Bus kung saan ako nahuli ay ng attempt na akong sumakay sa naunang Bus. Pag scan ko ng card sabi you don’t have enough load. Tinanong ko yung nakaupo malapit sa scanner saan ako makakahanap ng loading machine ang sinabi nya ay sobrang layo at tinatamad ako bumaba uli ng Bus. Ang demonyong bahagi ng aking pagka ako ay sabing “wag ka ng mag load ok lang yan tingnan mo wala namang driver at hindi ka kita sa cctv, umupo kana at pretend normal things happen”.

Hindi ako nagpadala sa masamang bahagi ko bumaba ako ng Bus ang matiyagang ngtanong ng pinakamalapit na loading machine. Sure enough may nahanap ako. Nagload ako ng malaking Malaga ngunit hindi tinanggap wala akong ibang option kundi yung pinakababang halaga ng pera na hawak ko ang ginamit ko pang load. Sumakay na ako uli sa kasunod na Bus patungo sa destinasyon ko.

Ang Aral sa maikling kwento / byahe na eto.
Sa totoo lang noong nag scan ako sa machine hindi ako sure kung na detect ba talaga yung card ko. Basta ng scan ako sumunod ako sa rules that’s it. Hind ko na rin inabala pang I scan uli yung card ko (to confirm) baka kasi ma doble yung charge (later on nalaman ko hindi pala mag double charge, wala pa kasing ganito sa pinangalingan kung abu dhabi).

Eto yung napulot kung aral, for sure what happen is very simple and small things in life. However doing small things repeatedly will form a habit and habit will form our character and our character is the main ingredients to success.

Una ang uniberso ay binabalot ng Natural Laws if gusto nating maayos yung takbo ng buhay natin dapat sumunod tayo ayon sa daloy nito. The Law of Sowing and Reaping (Kung ano ang itinanim syang aanihin) ang iba tawag nila dito is Good Karma. When you are doing things in a sincere and honest way for sure you will be rewarded later.

Pangalawa Exercise Proactive not Reactive mindset.
Wag kang mag react kung ano yung nangyari dapat balikan mo ano yung mga factors na nakaka apekto sa nangyari. Sa pag iisip na eto magkakaroon ka ng tamang inpormasyon at desisyon sa kung ano yung tamang aksyon at gagawin sa pangyayari. Ilan sa katangian ng Reactive mindset is yung nagpapadala tayo sa emosyon sabi nga ni Francis Kong "Anger is a feeling that makes your mouth work faster than your mind”. Kung hindi natin kokontrolin ang emosyon natin malamang eto yung magkokontrol sa atin.

Lastly para maiparating ang mensahe mo ng maayos Talk to other person’s point of view always.
To able for someone to agree to your way of thinking you have to put yourself in their shoe. In that sense you can connect to them by thinking like them. For sure yung mga officer na nanghuhuli ay ginagawa lang nila yung part nila so walang sense yung makikipagtalo ka sa kanila.

Salamat sa pagbasa sana may napulot kang munting aral dito.
P.S. May regret pala ako sa nangyari nakalimutan kung kumuha ng Selfie kasama yung humuli sa akin lol.

No comments:

Post a Comment