Copied
from Eduard Reformina’s Blog
http://www.eduardreformina.com/2014/01/3-secret-recipes-for-success.html
Kahapon
sa Starbucks, may lamesa sa harapan ko na may 4 na taong nakaupo. Dalawang
babae at dalawang lalaki. Yung isang lalaki may hawak na ballpen at nagsusulat
sa papel habang nagsasalita. Yung tatlo ay nakikinig lang…
Aha!
Latagan session pala ito! (Table talk business presentation).
Napakinggan
ko halos ng buo yung presentation n'ya, medyo mahaba. Magaling mag-present yung
networker, pero pakiramdam ko ako yung napagod sa bilis n'yang magsalita.
Habang
nagpe-present s'ya, ang isang common na linya ng mga networker na narinig kong
sinabi n'ya ay yung parang ganito…
"'Di po ba sabi ni Manny Villar ang kaylangan lang daw para
umasenso sa buhay ay sipag at tiyaga, Tama po ba?"
"Oo
tama"... sagot nung mga prospects.
"Eh bat yung mga magsasaka, masisipag at matiyaga naman bakit
mahirap pa rin?"
"Eh bat yung mga driver, masisipag at matiyaga naman bakit
mahirap pa rin?"
"Eh bat yung mga karpintero, masisipag at matiyaga naman
bakit mahirap pa rin?"
Para umasenso… Kaylangan may S.T.D ka! (Natawa yung mga kausap n'ya)
"Sipag, Tiyaga at DISKARTE… kayo naman oh!"… Sabi nung networker
Kaylangan
pala ay may S.T.D. ako (Woohoo buti na lag meron!). :-D
Pagtapos
ng mahaba-haba n'yang presentation… (siguro inabot din ng isang oras, naubos na
nga yung cafe mocha venti ko) biglang bumanat yung networker at sinabi n'ya dun
sa mga kausap n'ya 'tong linyang 'to...
"Sa ganitong negosyo hindi mo naman kaylangan ng skills para
yumaman, kaylangan lang masipag ka!"
Huh?!?
Ano
daw?!
Napakamot
ako at medyo na-confuse.
Kaya
ang ginawa ko, tumayo ako para magsalita, ganito yung sinabi ko…
"Akala
ko ba kaylangan ng S.T.D. para umasenso?"
Asaan
na yung DISKARTE??? Bakit biglang kaylangan masipag na lang?
Teka
teka teka… Parang bigla mo yatang kinontra lahat ng mga naunang sinabi mo ah,
kanina pa kasi ko nakikinig dito eh?
Sabi
mo kanina DISKARTE ang kulang ng mga taong masisipag at may
tiyaga kaya hindi sila umaasenso?
Pero
JOKE lang hindi ako tumayo, yun lang yung mga pumasok sa isip ko nung narinig
kong sinabi n'ya yun. :-D
Kung
iisipin mo ng mabuti, ang DISKARTENG kaylangan natin sa'ting business
para maging successful, ay yung mga SKILLS na matututunan mo.
Sa
business natin... hindi ka magiging successful hangga't hindi ka
nakakapag acquire ng mga tamang skills na kaylangan mo, o hangga't wala
kang tamang diskarte. Hindi pwedeng masipag ka lang!
Lahat
ng mga network marketers na may resulta sa kanilang business ay may iba't ibang
skills na kayang ipamalas kaya sila naging successful.
• Yung iba magaling magsalita sa harap ng maraming tao.
• Yung iba magaling mag-inspire at mag-motivate.
• Yung iba malupit mag-market sa internet.
• Yung iba magaling na leader at may leadership qualities.
• Yung iba naman magaling mag-close sa one on one.
I
think yung sinabi n'ya nung huli ("Sa ganitong negosyo hindi mo
naman kaylangan ng skills para yumaman, kaylangan lang masipag
ka!") ay napaka confusing at deceiving and not going to serve his
prospects...In my opinion, dapat lang na hindi natin sabihin yung ganitong
klase ng mensahe.
Dapat sa una pa lang ipaalam na natin sa'ting mga prospects na sa negosyong papasukin nila, kaylangan nilang maglaan ng oras at panahon para aralin yung mga diskarteng kaylangan nila para maging successful sa business nila.
Dapat sa una pa lang ipaalam na natin sa'ting mga prospects na sa negosyong papasukin nila, kaylangan nilang maglaan ng oras at panahon para aralin yung mga diskarteng kaylangan nila para maging successful sa business nila.
Anyway,
ang gusto ko lang namang mensaheng sabihin sa'yo sa blogpost na ito ay ito…
Kung
gusto mong maging successful sa business na ginagawa mo ngayon…
Kaylangan
mong magaral ng mga Tamang DISKARTE!
Kaylangan
mo ng mga tamang SKILLS.
Ngayon
tatanungin kita (At sagutin mo ha)… May S.T.D. ka rin ba (Sipag, Tiyaga at
Diskarte)? :-)
Kung
gusto mong matutunan yung 3 pinaka importanteng skills na kaylangan mo para
magkaresulta at magkaron ng success dyan sa network marketing business mo, Go ahead and CLICK
THIS.
Kung nagustuhan mo at kung may natutunan ka sa blogpost na 'to, Click LIKE and mag-type ka ng comment mo sa ibaba. Let me know kung sangayon ka ba dio sa mga nabasa mo or hindi. Gusto kong malaman yung opinyon mo.
Next blog post ulit...
Your friend to success,
Kung nagustuhan mo at kung may natutunan ka sa blogpost na 'to, Click LIKE and mag-type ka ng comment mo sa ibaba. Let me know kung sangayon ka ba dio sa mga nabasa mo or hindi. Gusto kong malaman yung opinyon mo.
Next blog post ulit...
Your friend to success,
Eduard Reformina
No comments:
Post a Comment