Thursday, December 26, 2013

Bakit hirap parin ang mga OFW sa kabila ng kanais nais na kita.

(at tumutukoy din sa lahat ng tao)


Ayon kay Bo Sanchez sa libro nyang 8 Secrets of the truly rich lahat tayo pinanganak na may kakayahan yumaman at magtagumpay sa buhay. Ang ating pag iisip at ugali ay siyang hadlang sa ating  pag unlad. Ang salaysay na eto ay supportado ng mga pananaliksik ni Thomas C. Corley na nilathala sa libro nyang Habit of the Richs. Ang mga pigura sa nasabing pananaliksik ay nagmumungkahing ang ugali at pag iisip ng tao ay may tuwirang kaugnayan sa pag unlad o pagyaman. Halimbawa ng datos ay ang sumosunod:


79% ng mayayaman naniniwala sila ang dahilan ng pinansyal na status nila sa buhay. 82% ng mahihirap hindi sang-ayon dito.
90% ng mayayaman naniniwala ang talinong biyaya ay walang kinalaman sa paggawa ng yaman. 87% ng mahirap hindi sang-ayon.
90% ng mahirap naniniwala sa kapalaran. 90% ng mayayaman hindi na niniwala.

Ilan lamang yan sa mga halimbawa at marami pang ibang datos na nagsasabing dapat kumilos wag hintayin ang swerte gawan mo ng paraan para ikaw ay swertehen. Si Thomas C. Corley at Robert Kiyosaki ay nag kaisa na eto ay mga katangian ng mahirap o mahirap na ugali. Ayon kay Warren Buffet isa sa pinakamayamang tao sa mundo at may ari ng pinakamalaking kalipunan ng mga kompanya sa Estados Unidos na 90% ng negosyo ay nabibigo at 10% lang ang nagtatagumpay. Eto marahila ang dahilan kung bakit ayaw na natin umalis sa komportabling sona (comfort zone). Takot sa pagkabigo ang pangunahing dahilin kung bakit ayaw ng tao nagpagbabago. Payo ng dalubhasa lumahok, manaliksik, at galugarin ang mundo ng negosyo. Ang mga sumusunod ay mga behikulo na pwedeng sakyan sa tagumpay.

          Ang stock market ay ang sinasabing pinaka pangunahing kasangkapan ng mayayaman para mapalago ang kanilang salapi, Eto ay nangangailangan ng sapat ng kaalaman sa pera, pamamalakad at pagpapasya. Eto ay para sa mga taong may karanasan na sa mundo ng pag nenegosyo. Kaya sabi ni Warren Buffet Hindi ang pamumuhunan ang Panganib kundi ang namumuhunan mismo. How an ordinary person can participate in without hassle in stock market? Check my other article I briefly discuss the Stockmarket Myth and misconception.

Negosyo
          Payo ng dalubhasa magsimula kahit ano mang maliit na negosyo ang importante ang kaalamang hatid nito. Asahan ang pagkabigo bumagon muli at huwag  matakot lumaban ulit. Palaguin ang kaalaman at kung ikaw ay nakatitiyak na sapat na ang kaalaman saka mo palakihin ang negosyong hawak.

Franchise
          Ang franchise ay napaka epektibong kasangkapan dahil sa subok na sistema. Ang mga kilalang franchise ay may 95% ng tagumpay. Ang problem lang nito ay ang kaakibat ng presyo na hindi bumababa sa milyon. Kung meron mang mura ay hindi rin ganun katas ang pursyento na magtatagumpay.

Networking / Network Marketing or Multi-Level Marketing (MLM)
          Ang nabanggit ang bagong uri ng sistema ng pagnegosyo kung saan sa maliit na puhunan ay nagiging partner ka ng negosyo at may malaking balik. Maraming benipisyo eto kasi parang sayo narin ang negosyo, partnership. Matuto kang magdesisyon kumilos ayon sa ninanais mong tagumpay. Isang napakagandang lugar sanayan at pagkakataong kumita ng malaki para sa walang kapasidad mamuhunan ng malaki.
Hindi lubusang naintindihan ng iba ang nasasaad at pag nadinig nila ay ayaw na agad. Hindi mo rin masisi ang negatibong kaisipan bunga ng mga balita, karanasan at maling paniniwala. Na kung tutuusin lahat ng negosyo ang may kaakibat na pangnib, karamihan ay nabubulag sa pangako at nakakalulang posibleng kikitaan. Sabi nga ni Bo Sanchez sa libro nyang 8 Secrets of the truly Rich.

"Which bring me to networking or multi-level marketing (MLM). Some people claim it’s the next best thing to heaven. Others claim it was invented by the devil himself. Some believe it’s god gift to mankind. Others believe it’s a curse that destroys friendship, families and our spiritual our spiritual lives. Sorry, both views aren't quite right. Like anything else in the world, MLM can be a blessing or a curse, depending on who actually does it."


“It’s not the investment that is risky but investor itself” –Warren Buffet
          Kahit anong behikulo ang sakyan mo kung walang kang sapat na kaalaman ang tagumpay ay hindi mapapasayo. Paulit ulit ang sabi ng mga eksperto kalkulahin ang panganib, asahan mabigo, umalis sa komportableng sona (comfort zone). Huwag magtrabaho para sa pera kundi sa pakinabang, ang karanasan, kasanayan na makukuha sa ginagawa ang pinaka magandang pakinabang na makukuha mo. Ang salapi ay hindi magpapayaman sayo kung hindi ang idea at kaalaman. Halimbawa nalang nito ay yung mga taong yumaman dahil sa lotto, pag aartista, sport at iba pa. Makalipas ang ilang taong mayaman balik na naman sa kahirapan.

“Nothing happens unless something moves” – Albert Einstein
          Ayon kay Robert Kiyosaki sa librong nyang Rich Dad Poor Dad, Nasa sayo ang desisyon kung gusto mong yumaman. Madali lang ang pormula para magpayaman mag-impok, mamuhunan, bumili ng mga bagay na magpapasok ng pera sa bulsa, mamuhay ng simple ang gastos ay hindi dapat lalaki kaysa sa kita, magkaroon ng pinagkakakitaan maliban sa trabaho (mga bagay na magpapasok ng pera na hindi kailangan ng buong oras mo). Turuan ang sarili maging maalam sa mundo ng pinansyal.
Bilang may kunting kaalaman sa mga nabasa at nag nanais pang dagdagan ang kaalaman minabuti kung matukoy at magkaroon ng kasanayan. Ang karungan ay siyang daan para sa tagumpay mga libro patungkol sa paglinang sa kakayahan at iba pang stratiheya sa mundo ng pagbenta. On line extraincome Ang mga nabanggit ay magandang simula para sa pagbabago tungo sa pag unlad sa abot kayang halaga, maliit na panganib malaking posibleng kita syempre desisyon mo gaano kalaki gusto mong kita. Ang kita mo ay magdedepende sa sipag, tyaga at pagkilos mo.


“Mind you own business”– Robert Kiyosaki
          Alipin tayo ng pera at dahil sa ilusyon ng pera nagtratrabaho tayo at pinapaunlad ang negosyo ng iba. Hindi pera at trabaho ang magpapayaman sa atin kundi kaalaman. Kung gusto mo ng pagbabago at gusto mo pa ng dagdag informasyon, katanungan sa nabanggit na oppurtunidad sa taas makipag-unayan ka sa akin Add me sasagutin ko katanungan mo sa abot ng aking kaalaman.
        

Photo and images credits to google.com
Mga sanggunian:
·         8  Secret of the truly rich – Bo Sanchez
·          “The World's Greatest Money Maker” BBC Documentary on Warren Buffett (available on YouTube)
·          Rich Habits - The Daily Success Habits of Wealthy Individuals by Thomas C. Corley
·          Retire Young Retire Rich - How to Get Richer Quickly and Stay Rich Forever by Robert Kiyosaki
·          Rich Dad Poor Dad - by Robert Kiyosaki